Tuesday, December 19, 2006

KRIS KRINGLE 105: SOMETHING HAIRY AND UNIQUE

LOOK what I've got... I've got EWOKS!
.
Something hairy and unique... 'yan ang nakuha ko sa Kris Kringle namin kahapon (nasa picture) pinangalanan ko na siya... blog-friends, meet Ewoks... EWOKS McGREGOR... nyahahaha
.
'Di ko mahanap 'yung suggestion nina Nona gurl, Mousey, Mommy Cess at Jennifer, my golly! 'Yung suggestion naman nina Ate Ann, Iskoo at Rhoanne babe... oh my gulay... 'di ako makahanap ng maliit na worth P20.00... kaya ang bagsak... coin pears na medyo hairy din naman na parang sa skin ng tiger gawa.
.
SOMETHING USEFUL AND MEMORABLE ang second to the last na Kris Kringle namin... suggest na!
.
Sa December 23 na 'yung final exchange gift namin, naibigay ko na sa kung sinuman ang magreregalo sa akin kung ano 'yung gusto kong gift... *wink*
Sa December 25 naman kainan naming mag-o-officemate dito sa mismong office... super sa bonding, hanggang Christmas, magkakasama kaming magkakaopisina... *smile*
.
Yeah... tama, December 25, may pasok pa rin kami. But... sana payagan ako na 'wag pumasok ng Christmas. Since kasi nang magtrabaho ako rito, four years na, four years na rin akong 'di nakakapag-celebrate ng buong araw ng Pasko with my Family. Though kasama ko silang magsimba ng December 24, my goodness... pagdating naman ng December 25... papasok ako ng office at gabi na ang uwi ko... *smile*
.
Happy Tuesday!!!

12 comments:

Anonymous said...

Sobra naman!!! December 25 may pasok kayo?? Nyek! Sobrang bonding na nga yan! Hehehe

Ang cute naman ni Ewoks Mcgregor! Nyahaha, ayos sa name!

Mag-iisip ako ng masa-suggest ko :)

Happy Tuesday din, Wendy gurl! ^_^

nona said...

Happy Tuesday too wends...

cute naman ni ewoks...me katabi ka na sa pagtulog nye hehe...

Try mo kayang wag pumasok ng 25?...sige absent ka na lang...sige na wag ka na pumasok...lol!
BI ako eh...BI :P

nona said...

Happy tuesdAY Too wends...

ang cute ni EWOKS...me katabi ka na sa pagtulog :D

Sobra nga, try mo kayang wag pumasok ng 25, mag-absent ka na lang...sige, huwag ka nang pumasok..lol!
BI ako eh...BI :D

LhadYmiTcH said...

useful and memorable? hmmm try moh ang panyo useful nman yun hehe. malapit na christmas. advance merry christmas to u.

JM said...

hi Ewoks Mcgregor im mousey! nice meeting you. hahaha... nagpakilala

oo tama si rho picture frame na may picture ka. yun din naisip ko.

Anonymous said...

ang cute ni ewok! pwede ba ampunin ko na yan? hehe.

something useful siguro alkansiya? hehe. korni ba?

Wendy said...

Sasha... Sobrang bonding na gurl! January 1 din, may pasok pa rin... san ka pa?

Cute ni Ewoks, ano? Shades kung shades!

o0o

Nona... gurl, dito lang sa office si Ewoks *wink* saka na ‘yung makakatabi sa pagtulog… kapag may nagbigay na… nyahahaha

Oks ‘yung suggestion mo gurl… ‘wag akong pumasok ng Christmas, a-absent na lang ako… yaan mo gurl, uulit-ulitin ko ‘yang sinabi mo... baka ma-convince ko ang sarili ko hahaha *wink*

o0o

Rhoanne babe... Bonding kung bonding... cheers!!! Cute ba si Ewoks... bati kayo ah. Aba, join force kayo ni Nona gurl ah... sige, ‘di ako papasok ng Christmas... a-absent na lang ako... nyahahaha

Picture frame na may pix ko... puwede...

o0o

LhadY_miTch... Thanks sa suggestion gurl *kisses* Pero ‘di naman kaya umiyak nang umiyak ang taong makakuha nito? What ju think?!

o0o

Mousey... I like that cutie Mousey... hahaha

Oist... dalhan mo siya lagi ng cheese si Ewoks, para kaagad siyang lumaki... *wink*

o0o

Iskoo... Mostly sa mga officemates ko may mga alkansiya na rito sa office. Pero oks 'din, madaling hanapin.

Aampunin mo si Ewoks? Magbe-breed na lang ako... sige bibigyan kita noon... anong kulay ang gusto mo? Hahaha

Anonymous said...

welcome ewoks sa blogging world mag blablog ka na rin hehehe...

paper holder or mga office supply para laging nasa desk niya at lagi ka niyang maalala

Anonymous said...

soo cute! ok sa name ha?

new year - wala kang pasok?

Anonymous said...

hi Ewoks!!! you look eeewwwwoks! hahaha joke*.*
para ka rin palang andito sa japon...kasi dito sa jap walang pasko pasko, work parin sila.but thanks God at nataon na sunday ang 24 kaya happy ako at may pasko kami this year! sa 25th work rin sila dito.

Wendy said...

Juana... Merry Christmas Juana! Dito sa office maiiwan si Ewoks... Hanggang blog hop lang si Ewoks... ahihihi.

o0o

Lhady_mitch... Thanks sa ipinadala mo... *kisses*

o0o

Cess... Mommy Cess... derived 'yung name ni Ewoks sa isang movie noong bata ako na Ewoks ang title. May cartoon pa nga 'yun, ewan ko lang kung may nakaaalala pa noon.
'Yung surname niya... kay Ewan McGregor *wink*

o0o

Yorokobee... *wink*
Talaga? Wow... 'di rin pala uso jan ang holiday, kaya naman progressive sila.

dei said...

wow!

maybe u could help. our's something hairy AND juicy... got ideas? worth 50php.

thanks much! :)