Tuesday, December 26, 2006

MERRY CHRISTMAS

APAT na taon na akong nagtatrabaho (I thank God for this), apat na taon na rin akong 'di nakakapag-celebrate ng Christmas na whole day with my family, may pasok kasi kami kahit Pasko... pero hindi kahapon... bwahahaha... HINDI AKO PUMASOK!
.
By the way... na-complete ko 'yung Simbang Gabi (saan ka pa?) and take note... nakapag-wish na rin ako, kung ano 'yun... chicklet (secret).
.
Tulad ng lahat... happy ang Christmas namin... halos kumpleto ang aming buong angkan kasama pa ang aming mga kaibigan. Siyempre, nonstop ang kuwentuhan, kulitan, kainan at asaran... so what more can you wish for?
.
Dear blog-friends... MERRY MERRY CHRISTMAS

Friday, December 22, 2006

KRIS KRINGLE 106: SOMETHING USEFUL AND MEMORABLE

SHORT post lang po regarding sa aming Kris Kringle.
Kahapon, sa Kris Kringle namin na SOMETHING USEFUL AND MEMORABLE... small glass na may print na coke ang nakuha ko (napaghahalatang adik sa soft drink) at galing ito kay Malaya!
.
Mula nang mag-start ang aming Kris Kringle, tatlong regalo na ang nakukuha ko na galing kay Malaya. Una, 'yung Albatros para sa SOMETHING HARD AND ROUND, pangalawa, 'yung rosary para SOMETHING WOODEN AND SMALL at pangatlo ito, SOMETHING USEFUL AND MEMORABLE, small glass na may print na coke... ang cute ng baso! Thanks Bunso! (Malaya)
.
BUKAS na ang final exchange gift namin... 8x10 photo frame at photo album ang gustong regalo ng monita ko... suwerte ko at madali lang hanapin!
.
Small round aquarium naman ang hiningi kong gift (ako na ang bahalang bumili ng fish)... sana mahanap ng nakakuha sa akin 'yung gusto kong gift... sabagay, in-indicate ko naman kung saan mahahanap 'yung aquarium na hinihingi ko *wink*

Tuesday, December 19, 2006

KRIS KRINGLE 105: SOMETHING HAIRY AND UNIQUE

LOOK what I've got... I've got EWOKS!
.
Something hairy and unique... 'yan ang nakuha ko sa Kris Kringle namin kahapon (nasa picture) pinangalanan ko na siya... blog-friends, meet Ewoks... EWOKS McGREGOR... nyahahaha
.
'Di ko mahanap 'yung suggestion nina Nona gurl, Mousey, Mommy Cess at Jennifer, my golly! 'Yung suggestion naman nina Ate Ann, Iskoo at Rhoanne babe... oh my gulay... 'di ako makahanap ng maliit na worth P20.00... kaya ang bagsak... coin pears na medyo hairy din naman na parang sa skin ng tiger gawa.
.
SOMETHING USEFUL AND MEMORABLE ang second to the last na Kris Kringle namin... suggest na!
.
Sa December 23 na 'yung final exchange gift namin, naibigay ko na sa kung sinuman ang magreregalo sa akin kung ano 'yung gusto kong gift... *wink*
Sa December 25 naman kainan naming mag-o-officemate dito sa mismong office... super sa bonding, hanggang Christmas, magkakasama kaming magkakaopisina... *smile*
.
Yeah... tama, December 25, may pasok pa rin kami. But... sana payagan ako na 'wag pumasok ng Christmas. Since kasi nang magtrabaho ako rito, four years na, four years na rin akong 'di nakakapag-celebrate ng buong araw ng Pasko with my Family. Though kasama ko silang magsimba ng December 24, my goodness... pagdating naman ng December 25... papasok ako ng office at gabi na ang uwi ko... *smile*
.
Happy Tuesday!!!

Thursday, December 14, 2006

KRIS KRINGLE 104: SOMETHING COLORFUL AND NAUGHTY

NEXT category para sa Kris Kringle namin sa Monday ay SOMETHING HAIRY AND UNIQUE... the table is now open for suggestion!
.
I've got five sanitary feminine napkins sa aming Kris Kringle na something colorful and naughty... naughty ba siya o colorful?
.
What do you expect... something naughty... may nagregalo ng undies... kulay orange, lalaki ang nakakuha, problema na niya kung paano niya 'yun gagamitin... hahaha
.
May nagregalo rin ng condom, green and yellow ang kulay... babae naman ang nakakuha.
.
At ang malupit, may nagregalo ng 20 packs ng peanut na iba-iba ang balot... nyahahaha... sa halip na something colorful and naughty, tuloy, naging SOMETHING COLORFUL AND NUTTY!

o0o

SIMBANG gabi na sa Sabado! Nag-text na 'yung mga pinsan ko, asking saan daw kami magsisimbang gabi, sa UST daw ba o sa Loreto Church... kahit saan, basta makumpleto ito... 'di ba? *wink*

Tuesday, December 12, 2006

KRIS KRINGLE 103: SOMETHING WOODEN AND SMALL

SOMETHING wooden and small ang category sa Kris Kringle namin yesterday dito sa office.
.
Wooden black bracelet ang binili ko. At akala ko, uulan ng wooden keychain sa Kris Kringle namin, but am wrong... walang nagregalo ng keychain. And in fairness... oks ang mga gift ngayon... ewan ko lang sa susunod na category ng aming Kris Kringle *wink*
.
Wooden rosary ang nakuha ko ('yung nasa picture). Nangiti ako nang i-open ko ang gift kasi, sa previous post ko about PAIN... sa Kris Kringle namin, ni-remind ako ni God na when am sad... He's there... and now, somehow am okay... He's still there... ergo, whatever happen... God is always there (heartwarming)
.
Moving forward... mostly sa mga gift kahapon ay mga pang-massage na gawa sa kahoy. Something wooden and SMALL... may nagregalo na pangkamot sa likod... yeah, wooden nga siya, pero 'di siya small. Sabi nga ni Malaya, "tanggalin na 'yung small sa something wooden and small, something wooden na lang."
.
May isa namang nagregalo, naubusan siguro ng oras sa paghahanap, kaya ang ginawa niya, kumuha siya ng basyo ng fax paper, nag-attached ng P20.00 at binalot na niya... jarannnn... may gift na siya... *wink*
.
On Thursday... SOMETHING COLORFUL AND NAUGHTY ang category sa Kris Kringle. Masaya 'to for sure!
.
COLORFUL AND NAUGHTY --- the table is now open for suggestion.

Friday, December 08, 2006

KRIS KRINGLE 102: SOMETHING YUCKY AND SMELLY

WE had our Kris Kringle yesterday... 'yun nga something yucky and smelly.
.
Styling gel, strong hold ang nakuha ko... yucky ba siya? Siguro dahil sticky siya sa kamay kaya naging yucky... smelly? 'Yung iba ayaw 'yung amoy pero oks lang sa akin.
.
Isang bote ng Bagoong Balayan ang something yucky and smelly na ineregalo ko... hahaha si Malaya ang nakakuha na noong Monday, Albatros ang gift na ako naman ang nakakuha.
.
Something yucky and smelly... may nagregalo ng tuyo, bagoong alamang, suka, toyo, pain reliever, moth balls at saka isang pack ng pusit na maliliit na kulay red... whewwww!
.
Eto malupit... 'yung isa kong kasamahan, ginawa niya, tumingin siya ng bagoong na matagal na sa fridge sa canteen. Nakakita naman siya at nakalagay 'yung bagoong sa isang yellow plastic container. Shaiksss... nilagyan niya ng laruang ipis, worm at saka daga 'yung bagoong... saka siya nag-attached ng P20.00... yucky talaga at saka smelly... imagine, ano na lang ang amoy ng bagoong na super tagal na?! Gustong isoli tuloy ng nakakuha ng gift niya 'yung gift... hahaha! 'Di ko nga rin matingnan 'yung gift dahil doon sa laruang ipis na nakalagay... my goodness... I hate ipis!
.
On Monday... SOMETHING WOODEN AND SMALL naman... any suggestion?
HAPPY WEEKEND!

Wednesday, December 06, 2006

KRIS KRINGLE 101: SOMETHING ROUND AND HARD

OUR Kris Kringle here in the office started last Monday - SOMETHING ROUND AND HARD worth P20.00 only.

Sunday night, go kaagad sa mall with my friends/officemates para maghanap ng "something round and hard." Whew... pagkatapos ng matagal na paghahanap, nakahanap din kami.

Monday morning... super excited ako sa para sa Kris Kringle kaya pagdating sa office, hinanap ko kaagad ang box kung saan ilalagay 'yung gift. May mga nakita na akong gift pero konti pa lang. Pagdating ng 12:00nn, saka pa lang nagsibili ng pang-Kris Kringle ang ilan ko pang mga officemates. And around 2:00pm nang ilagay lahat ang gift sa isang table, at bago mag-start 'yung bunutan, kinapa-kapa muna namin at hinulaan ang mga regalo. Natawa ako nang amuyin ko 'yung dalawang gift... amoy pa lang alam ko na... ALBATROS! Tawa kami nang tawa...

Anyway... narito ang list ng "Something Round and Hard" sa Kris Kringle namin last Monday...
Something round and hard...

- Small pink canister
- Green Saucer
- Pen na may bola sa tip
- Pink round mirror
- Small saucer with small mug
- Four pieces of P5 coins

At narito naman ang mga malulupit na "Something Round and Hard" na pinasaya ang buong opisina...
Something round and hard...

- Vicks Vaporub
- Purefoods Luncheon Meat (tatlo ang nagregalo)
- Bear brand sterilize milk (dalawa ang nagregalo)
- Del Monte Pineapple Chunks
- Maggi Instant Champorado
- Albatros (dalawa ang nagregalo)

Tawa nang tawa ang lahat ng nasa department namin... one of my officemates ayaw na ayaw makuha 'yung Maggi Instant Champorado at 'yung Bear Brand sterilize milk.

Bunutan na... nakaligtas 'yung officemate ko na 'wag mabunot 'yung Maggi Instant Champorado, pero 'di siya nakaligtas sa Bear brand sterilize milk... 'yun kasi nabunot niya.
AKO naman, 'di rin nakaligtas... 'yung Albatros na pinagtatawanan ko, ako ang nakakuha! Tawa nang tawa si Malaya... kasi naman ---

Masaya ang Kris Kringle, lahat tumatawa pagka-recieve ng kanya-kanyang gift. I remember, years ago nagkaroon din kami ng Kris Kringle rito sa office... Something Long! One of my officemates nagahol yata sa oras at 'di nakabili ng "Something Long" pero ginawan niya ng paraan... SOMETHING LONG... nag-print siya ng picture ni LONG MEJIA! Inis na inis 'yung nakatanggap sa regalo niya at kami naman tawa nang tawa.

Tomorrow Kris Kringle ulit... "Something yucky and smelly," 'di kaya umulan ng toyo, suka, patis at bagoong bukas sa Kris Kringle namin?

Any suggestion? SOMETHING YUCKY AND SMELLY!

Sunday, December 03, 2006

BACK TO BLOGGING

TAGAL ko ring 'di nakapag-post dito sa space ko... what happened ba? Nothing much (talaga lang ha?!)
Honestly... I've been to a situation na for now ang hirap i-explain, ikuwento and it really knocks me off my feet everytime na naaalala ko (lupet!). Reason kung bakit nag-refrain muna ako sa pagpo-post (pero nagba-blog hop pa rin naman)... baka kasi unconsciously, baka masyadong maging emotional ang mabasa ng mga dumadaan dito sa site ko, ma-sad pa sila... magpa-Pasko pa naman!
Silent mode ako these past few weeks, mas piniling maramdaman munang mag-isa ang pain in able for me to comprehend it at mas mabilis ma-accept. Pinalakas munang mag-isa ang loob, pinakalma at pinatapang ang sarili. Nilabanan ang sakit na nadarama at mas piniling i-comfort munang mag-isa ang sarili... and here, somehow... oks na ko! (I hope so)
With what I experienced, I admit na 'di naman ganu'n kadali... everytime I feel sadness, I go to church and talk to God. I talk to God 'di para magtanong or isumbat or isumbong kung ano nararamdaman ko... its just that, I want to share to Him what I feel and in able for me to feel His comfort so much more.
Well, well, well... that's it... back to blogging na ako... though 'di ganu'n kasaya ang birthday ko last November... am looking forward now for a happy Christmas!