Thursday, December 29, 2005
TIME AFTER TIME
Wednesday, December 28, 2005
COPY PASTE
Maybe God wants us to meet a few wrong people before meeting the right one so that when we finally meet the right person, we will know how to be grateful for that gift.
Tuesday, December 27, 2005
TIME OUT
‘Yun lang… back to work na ako…
Sunday, December 25, 2005
MERRY CHRISTMAS... I DID IT!
Friday, December 23, 2005
THE 8th... LAST ONE
.
OPERATION linis drawer and table! Yup, yearly yata ganito ang eksena sa office, every 23rd ng December, naglilinis kaming mag-o-officemate ng kanya-kanyang table, drawer and computer rack bago umuwi... and since mamayang 2:00pm ay uuwi na ako, so ano pa ang hinihintay ko, maglilinis na ako para eksakto 2:00 ay sibat na ako...
.
Thursday, December 22, 2005
7th MISA DE GALO
.
AND TO WRAP THIS ONE... Kadarating lang officemate kong si Bebe Jack... mali na naman ang suot niyang uniform, pang Wednesday ang suot niyang uniform na color brown. Bebe, Thursday na ngayon, violet ang kulay ng uniform natin... Peace Bebe, love you! *smile*
Wednesday, December 21, 2005
THE 6th... THREE MORE
FLEX J, yes it's true na excited na nga mga kids sa papalapit na Pasko and even you right, somehow excited ka rin sa pagdating ng Pasko.
LEI... Yeah, konti na lang talaga at makukumpleto ko na ang Simbang Gabi, hope ikaw din makumpleto mo ito.
NENGGGGG... uyyyyy... naintriga kung para kanino ang wish ko... hehe *wink* CLUE: Iisa parents namin... gets mo na? mwah!
.
Other story, kahapon Christmas Party namin, maraming pagkain, may Bingo Games at sa tinakbo ng Bingo Games... 'di ako nanalo, tanging si Annie at Meier lang ang nanalo mula sa department namin. May raffle rin at ganu'n din, wala sa department namin ang nanalo at oks lang din, kasi sa totoo lang, dapat wala na kaming Christmas Party, kaya oks na rin kahit 'di kami nanalo... happy na kami para sa mga kasamahan namin at mga taga ibang deparment na nanalo. *smile*
.
O siya, work muna ako while eating kiyat-kiyat (I don't know kung tama ang spell ng fruit na sinabi ko) basta, Kiyat-kiyat... 'yung ponkan na maliliit.
Tuesday, December 20, 2005
FOUR MORE TO GO...
Back to work na...
Monday, December 19, 2005
THE FOURTH
Sunday, December 18, 2005
TWO AND THREE
Friday, December 16, 2005
ONE DOWN
I do believe na kapag nakumpleto mo ang Simbang Gabi ay puwede kang mag-wish at matutupad ito... basta ba ginagawa mo ang Simbang Gabi nang taos sa iyong puso at hindi 'yung nagsi-Simbang Gabi ka lang ay dahil doon sa wish mo na gusto mong matupad, dapat, you do also the Misa de Gallo as a preparation para sa pagtanggap sa Diyos sa buhay mo. Kumbaga, 'yung "wish" na hihilingin mo kapag nakumpleto mo ang Simbang Gabi, bale 'yun na ang pinaka-reward mo, pero dapat, 'yung real essence ng Simbang Gabi mo ay nandoon... kuha mo?!
Other story... last night, my little Abby asked me na lagyan ng mga punit-punit ang isa sa kanyang mga old pants, gagamitin niya kasi ito para discotillion niya bukas sa celebration ng kanyang 18th Birthday. While doing that little favor of Abby, napagtripan ni Abby na magbalat ng isa sa mga pinyang dala ng pinsan naming si Tetet. Galing si Tetet ng Silang, Cavite dahil may community service sila roon at ang dami niyang uwing pinya at saging na seƱorita, pabaon daw sa kanya ng kanyang poster parents. Hindi ako mahilig sa pinya but I don't know what happened to me last night... MY GOODNESS GRACIOUS GREAT BALLS OF FIRE, halos ako ang nakaubos ng isang buong pinya na binalatan ni Abby.... ang sarap kasi... as in! 'Yun lang... :D
Tuesday, December 13, 2005
I'LL REMEMBER
Sunday, December 11, 2005
TOPICS
To "let go" is not to cut myself off, it's the realization I can't control another.
To "let go" is not to enable, but to allow learning from natural consequences.
To "let go" is to admit powerlessness, which means the outcome is not in my hands.
To "let go" is not to try to change or blame another; it's to make the most of myself.
To "let go" is not to care for, but to care about.
To "let go" is not to judge, but to allow another to be a human being.
To "let go" is not to be in the middle arranging all the outcomes, but to allow others to effect their destinies.
To "let go" is not to be protective; it's to permit another to face reality.
To "let go" is not to deny, but to accept.
To "let go" is not to nag, scold or argue, but instead to search out my own shortcomings and correct them.
To "let go" is not to adjust everything to my desires, but to take each day as it comes, and cherish myself in it.
To "let go" is not to criticize and regulate anybody, but to try to become what I dream I can be.
To "let go" is not to regret the past, but to grow and live for the future.
To "let go" is to fear less, and love more.
--- Unknown ang author ng post kong 'yan... bakit ba ako nag-post ng ganito? Tribute sa mga brokenhearted... hehehe KIDDING! When you say letting go, 'di naman ibig sabihin ay laging pagle-let go sa isang relasyon o tao lang... 'di lang naman ang mga 'yon ang nile-let go 'di ba? May mga pangyayari o sitwasyon sa buhay natin na 'di maganda ang epekto sa atin na kailangan i-let go para makapagsimula ulit. Halimbawa, failure sa isang project or promise wherein ang naging epekto nito is nakulong ka sa sitwasyon o panahong 'yon at nag-iba ang takbo ng buhay mo. Even ang mga nakaraang pagkakamali or kasalanan, accept these mistakes and let go, kailangan 'di ba, lalo na at magpa-Pasko pa naman. Let go from those circumstances na 'di masyadong 'di maganda ang epekto sa buhay natin... let go from that stuffs and try to make a brand new and a better start... gets nyo? I hope!
Change topic... Sunday... "OPERATION LINIS COMPUTER MOUSE!" Yup, in-open ko mga computer mouse ng mga officemates ko using the screw driver na nasa drawer ko, nagloloko raw kasi ang mga PC mouse nila, 'yun, pag-open, ang dudumi nga, at shempre, dahil marumi anong gagawin mo? E 'di lilinisin at shempre, 'di na ako ang naglinis, sila-sila na... abuso na 'yun, in-open ko na nga PC mouse nila tapos ako pa ang maglilinis... naman!
Next topic... Last Thursday, December 8, 2005 ay 'di ako pumasok ng office kasi nagpunta ako ng UST Hospital... OH MY GOODNESS, IT'S A BOY! hehehe JOKE LANG! Seriously, nagpunta talaga ako ng UST Hospital with my mama para magpa-check up ng JAW, bigla kasi siyang sumakit at 'di na ako makanguya nang maayos pagkatapos kong kumain ng lechon kawali last Monday, December 5, 2005. Buong akala ko ay na-dislocate ang Jaw ko dahil talaga sobrang sakit at may mga movement talaga na 'di ko magawa noon but in God's help, sabi ng specialist na tumingin sa akin ay wala raw dislocation na nangyari, in-explain niya kung ano ang nangyari kung bakit sumakit ang jaw ko 'di ko na lang ie-elaborate rito nang maayos, basta ang pinaka-point ay walang dislocation na nangyari.
Other topic... Excited ako kasi malapit na ang Pasko, bakit? Wala lang, masaya lang talaga ako kapag magpa-Pasko, kahit sabihin pa ng iba na magastos ang panahong ito, oks lang... seriously, 'di ko masyado pansin kung magkano magagastos ko ngayong Pasko para sa pamilya ko, ang importante, lahat masaya!
O siya, lunch time na, kakain na ako at after kumain ay magtatrabaho na... okey?!
God speed everybody!
Wednesday, December 07, 2005
PONDER THIS ONE
Tuesday, December 06, 2005
KING OF PAIN
Saturday, December 03, 2005
ANO SA PALAGAY MO?
Libangan dito sa opisina ang kantahan, kahit pressure na ang lahat sa trabaho, may time pa ring magkantahan, ‘yung tipong kakanta ang isa, sesegundahan, magiging trio hanggang sa maging chorus. Minsan, pati lyrics pinapalitan na rin para mas masaya.
Second to the last week ng November, nagkakantahan kami rito and out of the blue, bigla kong nakanta ang kantang PILIPINAS KONG MAHAL, at sinabayan ako ni Fhaye at sumabay na rin si Bunso. Sinundan pa ito ng kantang ANG BAYAN KO at AKO AY PILIPINO hanggang sa mauwi ang kantahan sa usapang “bakit kaya ‘di na pinatutugtog ngayon ang mga kantang 'yun?”
Kung ang mga foreign at OPM song ay tumutukoy sa pag-ibig o kung anupaman, ‘di ba, ang lakas ng impluwensiya nito sa tao, kung in love ka, makikinig ka ng foreign o OPM love song at mararamdaman mo talaga ang pag-ibig. Kung MAKABAYANG AWIT kaya ang maririnig mo, ‘di ba, ‘di malayong higit mong maramdaman ang iyong PAGKAPILIPINO na dapat naman talaga na maramdaman mo na ikaw nga ay Pilipino? Kailangang maramdaman talaga ng bawat Pinoy ang pagiging Pilipino.
Paano nga ba mararamdaman at maipagpamamalaki na sa kahit munting paraan lang ang pagiging Pilipino?
Ang LUPANG HINIRANG na ating Pambansang Awit na sa eskuwelahan na lang talaga walang palyang inaawit. Sa totoo lang, bihira ko na itong marinig ngayon. Sa radyo at telebisyon, pinatutugtog lang ang Pambansang Awit kapag magsa-sign in at magsa-sign out na, bakit, ‘di pa puwedeng awitin o patugtugin ito sa kalagitnaan ng bawat programa? Ito ay para lang naman maramdaman ng kung sinumang makakarinig nito na nasa sila ay nasa Pilipinas at sila ay Pinoy! O sige, sabihin na nating ‘di puwedeng patugtugin ang LUPANG HINIRANG nang basta-basta, e ang kantang BAYAN KO, baka ‘yun e puwedeng patugtugin sa bawat programa? Ang kantang AKO'Y PINOY, ang ganda ng kantang ito na tumutukoy talaga sa isang Pilipino, ilang beses sa isang araw mo ito maririnig sa airwaves ngayon, saulado mo pa ba ang titik ng kantang ito? Ang kantang PILIPINAS KONG MAHAL, kabisado pa ba ng ilang Pilipino ang awiting ito? ‘Yung kanta na ginamit noong EDSA 1, na MAGKAISA na titulo pa lang tumutukoy na sa pagkakaisa ng bawat Pilipino, isama mo na rin ang kantang HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO, ‘di ba puwedeng patugtugin ito sa airwaves? Iilan lang ang mga kantang ‘yan na tumutukoy sa pagiging Pinoy, marami pa… maraming-marami pa.
Hindi naman siguro masama o pangit kung pagkatapos magpatugtog ng mga foreign song, OPM love song, baka naman puwedeng isunod na patugtugin ang mga MAKABAYANG AWITIN, ito ay upang higit na maramdaman nating mga Pilipino ang PAGKAPILIPINO na maaaring isa rin itong paraan o daan upang higit na maipagmalaki ng bawat Pinoy na sila ay Pilipino na taga-Pilipinas!
Oo, may mga modernong kanta na rin na tumutukoy sa pagiging Pinoy, pero ‘di ba, mas maganda kung HINDI INIIWAN SA NAKALIPAS ang mga awiting Makabayan?
PAGMAMALAKI ng PAGIGING PILIPINO… ito marahil ang kulang sa iilan sa atin. Marahil kapag naipagmalaki o ramdam na talaga ang pagiging Pilipino, maaaring dito mag-ugat ang unti-unting pagbangon ng Pilipinas sa kanyang pagkakalugmok. Kapag naramdaman na ng kanyang mga mamamayan na sila ay Pilipino at sila mismo ang dapat na prumotekta ng kanilang bayan at walang sinumang maaaring umepal sa pagpapatakbo o pagpapaunlad nito kundi ang isang tunay na Pilipino!
Friday, December 02, 2005
PERFECT
Jose Mari Chan
.
My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party or dinner for two
Anywhere would do
.
Celebrating theyuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special too
When they're shared with you
.
Looking through some old photographs
Faces of friends we'll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights, all over town
Children's carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair
.
I cant think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you'd let me spend my whole life with you
.
Looking through some old photographs
Faces of friends we'll always remember
Watching busy shoppers rushing about
In the cool breeze of December
Sparkling lights, all over town
Children's carols in the air
By the Christmas tree
A shower of stardust on your hair
.
I cant think of a better Christmas
Than my wish coming true
And my wish is you'd let me spend my whole life with you
.
My idea of a perfect Christmas is to spend it with you
Thursday, December 01, 2005
PLEASE DON'T ASK ME
It would be a mistake
Wednesday, November 30, 2005
TAG FROM MALAYA
9:10am sa relo namin pero alam ko advance ‘yun, ‘di ko lang alam kung ilang minuto.
2. Ano ka sa dalawa morning person o night owl?
Depende.
3. Anong huling pelikula ang napanood mo sa sinehan?
Charlie and The Chocolate factory kasama kapatid ko. Harry Potter 4 panonoorin ko na rin.
4. Anong paborito mong TV show?
Smallville sa studio 23 every Tuesday. Isama mo na rin ang Engcantadia at Sugo.
5. Anong kinain mo sa agahan?
Coffee na lang dear… mamadali na kasi ako, baka ma-late ako at saka ubos na rin kasi ‘yung tinapay.
6. Ano ang iyong panggitnang pangalan?
S for Silvestre
7. Ano ang paborito mong lutong pagkain?
Dinuguan… nakakain ko ito kahit na walang kanin at puto… swear!
8. Anong pagkain ang ayaw mo?
Mami… ayoko talaga ng mami, ewan ko… sabi nila masarap daw pero basta, ‘di talaga kayang tanggapin ng panlasa at sikmura ko ang mami.
9. Paboritong araw?
Linggo… magaan ang araw na ito para sa akin.
10. Paboritong CD sa ngayon?
Throwback ng BoyzIImen… ‘di pa ako nagsasawa!
11. Paboritong sandwich?
Chicken and egg sandwich.
12. Anong katangian ang ayaw mo?
Traydor at sinungaling… alam mo ‘yun, ‘yung ang laki ng tiwala mo sa tao ‘yun pala… siya ang magiging dahilan upang mapahamak at masira ang buhay mo.
13. Anong ginagawa mo kapag nababagot ka?
Surfing the net, wala ng iba eh, lalo na kapag may tao na sa senado.
14. Kung magbabakasyon ka sa ibang bahagi ng mundo, saan ka tutungo?
Absoulutely… Vatican City!
15. Paboritong tatak ng damit?
Wala… kahit ano, basta bagay sa akin at komportable ako oks na ‘yun!
16. Saan ka pinanganak?
Pampanga, dito na ako lumaki at nagkaisip, nag-aral ng elementarya, high school at college.
17. Ano ang pinakamagandang alaala ng iyong kamusmusan?
Marami… sobra! Ilan dito ‘yung paglalaro sa bukid tuwing summer o ‘yung anihan ng palay, ‘yung gagawa ka ng bahay na yari sa lupa na ang bubong ay tuyong dayami. Masaya rin noon kapag naglalaro na ng moro-moro, patintero, taguan, siyato, piko, langit-lupa, chinese garter (magaling ako rito, tuma-tumbling pa ko), baseball, tag-of-war, touch the color, luksong baka, sipa, sopo, tumbam preso, jackstone (magaling ako rito pero hustler dito ‘yung kapatid ko na hanggang ngayon ay ‘di ko pa rin siya matalo), karera ng bike (grade 2 pa lang ako marunong na akong mag-bike), pamimingwit, unahan sa pag-akayat sa puno, picnic kasama ang mga kalaro na ang pagkain ay itlog na maalat, tuyo, bagoong, adobong kangkong at may mga sitsirya rin gaya ng pritos ring, pompoms, pee wee, richie at kung anu-ano pa… basta marami… colorful ang childhood days ko! Kung pwede nga lang ibalik, ibabalik ko… sana may makaimbento na ng time machine.
18. May alaga ka bang hayop?
Oo, si Kwee, isa siyang pusa, kaso ‘di ako nag-aalaga sa kanya ngayon kasi nasa Pampanga siya at ako naman ay narito sa Manila.
19. Mayroon ka bang bagong balita na gusto mong ibahagi sa lahat?
Tungkol sa akin? Wala pa naman.
20. Ano ang gusto mong maging nu’ng musmos ka pa?
Gusto kong maging Sundalo, Doctor o kaya Lawyer… kaso ‘di kaya ng budget ng magulang ko.
21. Mga trabahong napasukan mo?
Ang trabaho ko ngayon… ito first job ko!
22. Ano ang nauna, manok o itlog?
Manok!… Maki-MANOK… ‘wag mag-ITLOG!
23. Sinu-sino ita-tag mo?
Pwede sa isang tao lang? Time to update your blog… RICO!
Tuesday, November 29, 2005
Saturday, November 26, 2005
CHRISTMAS IS IN THE AIR
Sakay sa FX Taxi, alam ko na ‘di ako male-late, pero parang pinaglaruan ako ng pagkakataon… SOBRANG TRAFFIC, arrrrggg…destined na ma-late ako ngayon. Sa loob ng FX taxi na sinasakyan ko, ‘di ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ng dalawang mommy tungkol sa Pasko. Pinamili na raw nila ang kanilang mga anak ng gamit para sa Pasko… bagong damit, sapatos at kung anu-ano pa.
NOON: Ipinamimili ako ng daddy at mama ko ng mga bagong gamit para sa Pasko.
NGAYON: Ako na ang namimili ng sarili kong bagong gamit para sa Pasko at pati na rin para sa daddy at mama ko pati na mga kapatid ko.
.
NOON: Nakaupo kaming magkakapatid at mapipinsan sa may Christmas tree at nag-aabang ng alas-dose para mabuksan na ang mga regalo.
NGAYON: Nakaupo pa rin naman kaming magkakapatid at magpipinsan sa may Christmas tree pero ‘di para magbukas ng regalo, kundi para panoorin ang mga parents namin at mga tito at tita na magbukas ng kani-kanilang regalo na galing sa amin.
NOON: Ako ang namamasko… wala pang inaanak.
NGAYON: Pinupuntahan na ako ng MGA inaanak ko at maging mga ‘di ko inaanak.
NOON: Tinatanong ko sa mama ko kung kani-kaninong ninong at ninang ako mamamasko.
NGAYON: Mga ninong at ninang ko na ang namamasko sa akin.
NOON: Tinatanong ko sa mama ko kung anu-ano ang handa namin sa 24 ng gabi.
NGAYON: Ako na ang tinatanong kung ano ang ihahanda namin para sa 24 ng gabi.
NOON: Foods, fruits and juices lang ang nasa table.
NGAYON: Food, fruits and beers ang nasa mesa.
NOON: Pagkatapos ng maghapong pamamasko… paramihan ng nakuhang regalo.
NGAYON: Pagkatapos ng mga namasko sa bahay… titingnan ang wallet at magpapasalamat dahil may natira pa na gagastusin para sa mga susunod na araw.
At higit sa lahat…
NOON: Pasko, nasa bahay ako.
NGAYON: Pasko, nasa opisina ako, nagtatrabaho.
Though may mga nag-iba, mayroon din namang nanatili…
NOON: Sabay-sabay kaming nagsisimba ng December 24 ng gabi.
NGAYON: Sabay-sabay pa rin kaming nagsisimba ng December 24 ng gabi.
NOON: Sabay-sabay kaming nagno-Noche Buena.
NGAYON: Sabay-sabay pa rin kaming nagno-Noche Buena.
May mga nabago man… may mga bagay pa rin na ‘di kailanman magbabago kahit baligtarin mo ang mundo… ito ay ang saya na nararamdaman ng buong pamilya ko kapag magkakasama kami sa araw na ‘yon at higit sa lahat, ang tunay na diwa ng Pasko!
MERRY CHRISTMAS EVERYBODY!
Wednesday, November 23, 2005
IT IS NOT HOW MUCH LOVE WE HAVE RECEIVED
Monday, November 21, 2005
THE NOTE
I give neither notes nor letter to a particular person to utter how I feel or what’s inside me that I can’t express personally. I give notes/letters to say “thank you,” to "show appreciation,” to say “sorry,” to “greet” and sometimes, just to “share some silly stuff!” There are times too that I give notes/letters just for nothing… it's just like that I want to do it at masaya ako kapag nagbibigay ako ng notes and letters... I don't know why... I feel something inside me na 'di ko maipaliwanag.
Note has a different brunt, for me, it is more sincere rather than vocal. And me, I feel happy kapag may nakikita o natatanggap akong notes o letters especially na 'yung note/letter na 'yon is all about good things. Maybe the reason why I do really love to give notes and letters is that, unconsciously, dahil masaya siguro ako kapag nakakatanggap ng note/letter, iniisip ko na kung ano 'yung kakaibang saya na nararamdaman ko kapag may natatanggap akong notes/letters ay 'yun din ang saya na mararamdaman ng taong bibigyan ko ng note or letter.
This day, I feel so happy when an officemate/friend of mine na classmate ko rin noong college, natuwa talaga ako nang ipakita niya sa akin 'yung note ko sa kanya noong second year college pa lang kami. Yup, second year college pa lang kami when I gave her that note at nang makita ko talaga 'yon, pilit kong iniisip na paano ko iniabot sa kanya 'yun note, ako ba mismo ang nagbigay, ipinaabot ko ba or inipit ko sa notebook niya... na 'yun talaga ang madalas kong gawin kapag nagbibigay ng note/letter... iniipit sa notebook. Baka magtanong kayo kung paano ko natandaan na second year college kami nang ibigay ko sa kanya 'yung note, hehe... may date kasi 'yung note - 090399 (September 3, 1999) c",) Natuwa talaga ako ng makita ko 'yung note... ang pangit ng sulat-kamay ko, sulat-kamay ng lalaki... hahaha.
Anyway… though it’s just a piece of paper, I do really feel happy na makita ko 'yon and this officemate/friend o'mine told me also na lahat daw ng notes and letters ko sa kanya ay buhay pa hanggang ngayon kaya I asked her to bring them and I want to see those notes/letters.
Thanks Jack (http://pinayganda.blogspot.com) for keeping my notes and letters to you. I love you bebe Jackie!
Friday, November 18, 2005
WHAT'S INSIDE
Wednesday, November 16, 2005
REALLY REALLY THANK YOU
.
Sa mga nag-greet thru text… Thank you.
Sa mga nag-greet thru nag-email… Salamat!
Sa mga nag-greet thru chat… Shukran!
Sa mga nag-greet thru friendster… Mahalo!
Sa mga nag-greet ng personal… Merci beaucoup
Sa mga tumawag para bumati… Danke schƶn
Sa nagbigay ng bulaklak… Gratia!
Sa mga nag-greet using a piece of paper… Xie-xie
Sa mga nag-greet thru card... Kamsa hamnida
Sa mga nag-greet thru blog… kay Bunso (http://labski.blogspot.com) … Muchas Gracias… I love you post… Bravo!
Sa mga nagbigay ng pagkain… Dziekudje Bardzo!
Sa mga hindi bumati… Arigatou Gozaimasu!
At sa mga babati pa… DAKAL A SALAMAT!
Tuesday, November 15, 2005
J'S TAG
.
Inaanyayahan ko ang bawat papasahan ko nito na maglathala ukol dito sa larawan sabihin ang nasa loob ng hanggang 50 salita walang lalampas pwedeng patula,pwedeng isang kasabihan,pwedeng patawa,pwede lahat pwera ang murahan....pag lumampas bahala ka...
.
J... eto na sagot ko sa tag mo... hope you like it... ;-)
Monday, November 14, 2005
COME AND SING IT...
.
Thursday, November 10, 2005
THE MOVES
Ano ba ang ibig sabihin ng THE MOVES? Hindi naipaliwanag sa akin ng mga taga-LXG kung ano ba talaga ang kongretong kahulugan ng THE MOVES. At habang inoobserbahan sila sa tuwing ginagamit nila ang THE MOVES… parang nakuha ko na meaning nito… parang ganito...
.
THE MOVES... kapag dumidiskarte sa babae o lalaking crush/type mo.
THE MOVES… kapag may nagtanong sa’yo kung anong oras na gayung may relo naman siya.
THE MOVES… kapag pinakikilig ka lang ng kausap mo.
THE MOVES… kapag sinasabing na-miss ka raw ng isang tao kahit hindi naman totoo.
THE MOVES… kapag nagpapaawa epek ang kausap mo gayung ‘di naman talaga siya kawawa. Kumbaga, kinukuha lang simpatya mo para maka-lean siya sa shoulder mo (Chansing!)
THE MOVES… kapag sinabing ki-kiss ka ng kausap mo kapag nagkita kayo na ‘di naman niya magagawa.
THE MOVES… kapag sinabing maganda ka ngayong araw na ito pero kapag tumingin ka sa salamin, parang 10 years kang di natulog dahil sa laki ng eyebag mo.
THE MOVES... THE MOVES 'yung mga taong nagmamagaling na 'di naman talaga magaling.
THE MOVES... THE MOVES 'yung mga taong laging pabida.
THE MOVES... THE MOVES 'yung mga nagmamaganda.
.
Oks lang ding gawing expression ang THE MOVES... wala lang... THE MOVES lang!
.
Ilan lang ‘yan sa mga THE MOVES… so in short… kung susuriin mong mabuti… ang ibig sabihin ng THE MOVES… BOLA at FEELING!
Pina-astig na salita para sa salitang BOLA at FEELING… THE MOVES!
Wednesday, November 09, 2005
ONE ON ONE
Hall and Oats
I'm tired of playing on the team
One on one I know I wanna play that
One on one I wanna play that game tonight
One on one so slow
Tuesday, November 08, 2005
TAG IT UP... GETTING TO KNOW ME
1. What time did you get up this morning? 9:15 AM
2. Diamonds or pearls? DIAMONDS
3. What was the last film you saw at the cinema? KINGDOM OF HEAVEN
4. What's your favorite TV show? SMALLVILLE
5. What did you have for breakfast? TEA
6. What's your favorite cuisine? ASIAN
7. What foods do you dislike? MAMI
8. What is your favorite crisp flavor? CHICKEN JOY NG JOLLIBEE
9. What's your favorite CD at the moment? BOYZIIMEN THROWBACK
10. What kind of car do you drive? BMW (SOMEDAY)
11. Favorite sandwich? CHICKEN SANDWICH
12. What characteristic do you despise? LIAR
13. Favorite item of clothing? JEANS AND SHIRT
14. If you could go anywhere in the world on vacation,where would you go? VATICAN CITY
15. What color is your bathroom? BLUE AND WHITE
16. Favorite brand of clothing? NOTHING IN PARTICULAR
17. Where would you retire to? LET ME THINK
18. Favorite time of the day? MIDNIGHT
19. What was your most memorable birthday? MY 18TH BIRTHDAY
20. Where were you born? MANABAT MATERNITY HOSPITAL, STO. TOMAS, PAMPANGA
21. Where have you lived for at least half of your life? PAMPANGA
22. Favorite sport to watch? BASKETBALL
23. Who do you least expect to send this back to you? ---
24. What fabric detergent do you use? TIDE NATURE FRESH
25. Were you named after anyone? NO
26. Do you wish on stars? ALWAYS
27. When did you last cry? SEPTEMBER 2005
28. Do you like your handwriting? VERY MUCH
29. What is your most embarrassing CD? ---
30. If you were another person, would YOU be friends with you? ABSOLUTELY YES
31. Are you a daredevil? NO
32. Have you ever told a secret you swore not to tell? NO
34. How do you release anger? I KEEP QUIET
35. What was your favorite toy as a child? CAR
36. What class in high school do you think was totally useless? MATH, COZ I HATE MATH
37. Do you use sarcasm a lot? NOT MUCH
38. Favorite movies? CON AIR, WITH HONORS, SCHOOL TIES, EXTREME MEASURES, BAD BOYS 1 AND 2, MUSIC OF THE HEART, THE CUTTING EDGE
39. What are your nicknames? WENDY, WENDS, SHAWIE, DY
40. Would you bungee jump? YES
41. Do you untie your shoes when you take them off? NO
42. Do you think that you are strong? SOMETIMES
43. What's your favorite ice cream flavor? ROCKY ROAD
44. What are your favorite colors? GREEN
45. What is your least favorite thing about yourself? ---
46. Who do you miss the most? MY FAMILY
47. Do you want everyone you sent this to send it back? ---
48. What color pants are you wearing? DARK PANTS
49. What are you listening to right now? SHE’S THE ONE BY ROBBIE WILLIAMS
50. Last thing you ate? DINUGUAN AND RICE
51. If you were a crayon, what color would you be? GREEN
52. Who was the last person you talked to on the phone? MY SISTER
53. What is the first thing you notice about the opposite sex? HEIGHT
54. Favorite Drink? SOFTDRINK
55. Do you wear contacts? NO
56. Favorite Day of the Year? CHRISTMAS
57. Scary Movies or Happy Endings? HAPPY ENDINGS
58. Summer or winter? SUMMER
59. Hugs OR Kisses? HUGS
60. What Is Your Favorite Dessert? BANANA
61. What Book(s) Are You Reading? THE PURPOSE DRIVEN LIFE
62. What Did You Watch Last night on TV? NONE
63. Favorite Smells? VICTORIA’S SECRET ENDLESS LOVE
64. Rolling Stones or Beatles? BEATLES
65. What's the furthest you've been from home? PANGASINAN, BATANGAS AND BAGUIO
Tag it up... Anne, Jackie and Janice
Monday, November 07, 2005
LOVING UNCONDITIONALLY IS VERY DIFFICULT
Tuesday, November 01, 2005
DO I NEED A REASON?
I’m singing you this song?
Do I need a reason to show you that
I know where I belong?
Whenever I am weary I lean on
This feeling that I have
I am so much stronger now
Thankful, yes I am
Monday, October 31, 2005
FROM THE START TILL THE END
.
October 1 - Birthday ng tito ko, umuwi ako ng province para i-celebrate yun.
October 2 - Sunday, nagsimba at nagtrabaho. Oo, even Sunday may work ako.
October 3 - Dito sa office, nagtatrabaho!
October 4 - Dito sa office, nagtatrabaho!
October 5 - Perpetual Help... nagsimba ako then pasok office para work!
October 6 - Dito sa office, working at 1 month na si "friend" sa you know where.
October 7 - Dito sa office, nagtatrabaho.
October 8 - Ehem my day... my day
October 9 - Sunday, attend mass then pasok sa office para magtrabaho.
October 10 - Dito sa office, working at birthday ng pinsan kong pogi.
October 11 - Dito sa office, nagtatrabaho.
October 12 - Dito sa office, working, nagsimba at birthday ng pinsan ko.
October 13 - Dito sa office, nagtatrabaho.
October 14 - Dito sa office, nagtatrabaho.
October 15 - Umuwi ng province... maghapong kasama ang barkada.
October 16 - Birthday ni Bunso, ni ate Cora at ng tita ko!
October 17 - Sa office working at flight ni friend Adelaine for Philadelphia
October 18 - Dito sa office, nagtatrabaho.
October 19 - Dito sa office, nagtatrabaho... nagsimba
October 20 - Dito sa office, nagtatrabaho at birthday ni Bebe Jackie
October 21 - Dito sa office, working, kain sa Jollibee w/ Chichay at ano pa ba?
October 22 - Sa bahay, naglinis at um-attend ng Oktoberfest pagkagabi.
October 23 - Dito sa office, nagtatrabaho kahit puyat!
October 24 - Dito sa office, nagtatrabaho.
October 25 - Dito sa office, nagtatrabaho.
October 26 - Dito sa office, nagtrabaho, nagsimba and what else?
October 27 - Dito sa office, nagtatrabaho.
October 28 - Nawala ang favorite kong payong na kulay green... sad talaga!
October 29 - Birthday ng pinsan ko... nilalagnat ako
October 30 - Naospital ako
October 31 - Heto, medy0 may sakit pa rin, sabi ng doktor 'wag munang papasok ng trabaho, pero matigas ang ulo ko, kaya heto... working na at nagpo-post na sa blog :-)
.
And that's it!
BEGINNING AND ENDING OF MY OCTOBER!
Hmmm... halos buong October ko yata e umikot sa office work?
Thursday, October 27, 2005
EVOLUTION
MY SECOND TAG FROM MALAYA
- Sherwina real name ko
- November 16 ang birthday ko
- Pinoy ako
- Kapampangan ako
- Katoliko ako
- Lagi akong nagsisimba every Wednesday and Sunday
- Tatlo kaming magkakapatid, ako panganay
- Graduate ng AB Mass Communication
- Maputi ako pero mas maputi sa akin 'yung kapatid ko
- Green ang favorite color ko at ayoko ng pink pero pink ang housing ng phone ko.
- Con Air ang paborito kong movie
- Crush ko si Nyoy Volante... sobra! Lima picture niya sa table ko
- Iyakin ako
- White ang bag na gamit ko
- Takot ako sa ipis at sa madilim
- Tatlong taon na akong naninirahan dito sa siyudad at umuuwi ng probinsiya kada linggo.
- Music addict
- Maarte at nag-iinarte rin ako... ask Carpe Diem
- Madalas akong mapilay
- Mahilig akong magbasa
Second tag ko na ito from malaya... sino ba ang mga ita-tag ko? Flex j, J and velvet.
Wednesday, October 26, 2005
MORNING...
Sunday, October 23, 2005
OH BOY, WHAT WENT WRONG?!
Dumating ang October 22 and I was soooooooo excited. I told my self na yes, for the second time around, makikita ko ulit si NYOY VOLANTE... I dooooo really like/love this guy... yes... am a big fan of him. Around six in the evening when I texted Jenny that am already fixing my self... from head to toe... hahaha... pinaghandaan ko talaga... from my dangling earings, my bracelets, my "diamond" hairpin, the plunging blouse, the jeans that really fits me, the shoes na ka-shade ng blouse ko and even my bag... so san ka pa?! In short... I do really really look good that night... i feel very pretty... echos!
About 8:30 nang umalis kami ng office, me, Jen and her friend Ryza, Talen, Fhaye and Tita Linda. MRT pa lang, kita na ng mga kasama ko ang excitement sa mga ngiti ko. Bibiruan pa kami na relax lang daw ako kapag nakita ko si Nyoy, 'wag daw akong magtatago and the stuffs. And... and... Jenny told me na 'wag akong masyadong ma-excite baka raw kasi pagdating ko roon ay madismaya ako dahil wala si Nyoy. Moving forward... nasa EDSA Central na kami and all I know talaga ay si Nyoy ang magpe-perform doon, that's why I asked the guy na um-assist sa amin na bigyan kami ng magandang pwesto sa harapan at ang ganda nga naman talaga ng pwesto namin.
Thursday, October 20, 2005
THINK ABOUT IT
Sometimes people come into your life and you know right away that they were meant to be there, to serve some sort of purpose, teach you a lesson or to help you figure out who you are or who you want to become.
.
You never know who these people maybe — a roommate, a neighbor, a professor, a friend, a lover or even a complete stranger — but when you lock eyes with them, you know at that very moment they will affect your life in some profound way.
.
Sometimes, things happen to you that may seem horrible, painful, and unfair at first, but in reflection you find that without overcoming those obstacles you would have never realized your potential, strength, willpower or heart.
.
Illness, injury, love, lost moments of true greatness and sheer stupidity all occur to test the limits of your soul. Without these small tests, whatever they may be, life would be like a smoothly paved straight flat road to nowhere. It would be safe and comfortable, but dull and utterly pointless.
.
The people you meet who affect your life, and the success and downfalls you experience, help to create who you are and who you become. Even the bad experiences can be learned from. In fact, they are sometimes the most important ones.
.
If someone loves you, give love back to them in whatever way you can, not only because they love you, but because in a way, they are teaching you to love and how to open your heart and eyes to things.
.
If someone hurts you, betrays you or breaks your heart, forgive them, for they have helped you learn about trust and the importance of being cautious to whom you open your heart.
.
Make every day count. Appreciate every moment and take from those moments everything that you possibly can for you may never be able to experience it again. Talk to people that you have never talked to before, and listen to what they have to say.
.
Let yourself fall in love, break free and set your sights high. Hold your head up because you have every right to. Tell yourself you are a great individual and believe in yourself, for if you don't believe in yourself, it will be hard for others to believe in you.
.
You can make anything you wish of your life. Create your own life and then go out and live it with absolutely no regrets.
And if you love someone tell them, for you never know what tomorrow may have in store.
.
Learn a lesson in life each day that you live!Today is the tomorrow you were worried about yesterday.Think About it? Was it worth it?
Sunday, October 16, 2005
THE DAY
Monday, October 10, 2005
MY FIRST TAG
FOR the very first time... after a long long long month dito sa blogspot... na-tag ako! Tag ako ni Malaya... anyway... parte yata ang "tag-tag" na ito ng cybercitizenship kaya 'to na sagot ko sa tag mo...
.
1. It is really bad to stare? / Masama ba talagang tumitig?
Hindi naman masamang tumitig... siguro nagiging masama lang ang tumitig kapag tumitig sa mga hindi dapat titigan... gets?
- Kung kaya ka nakatitig sa isang bagay o tao dahil nagagandahan ka... oks lang tumitig!
- Kung kaya ka nakatitig sa isang bagay ay dahil malalim ang iniisip mo... oks lang ang tumitig!
- Kung kaya ka nakatitig sa isang bagay dahil na-amaze o na-curious ka... oks lang ang tumitig!
PERO
- Kung ang tinititigan mo ay ang mga kasakay mo na nagpi-PDA... masama ang tumitig.
- Kung makatitig ka na parang huhubaran mo ang taong kaharap mo... masama ang tumitig.
Oks na ba ang sagot ko sa 1st question? Sana...
2. Do you have a favorite song? / May paborito ka bang kanta?
Oo marami... ilan dito ang Superman ng Five for Fighting, Is There Something ni Cristopher Cross at I Don't Wanna Miss A Thing ng Aerosmith.
3. Tag 7 peeps / Tag ang pitong tao.
Anne (Many Wonders of my life)
Jack (Jack's Blog)
Janice (The Creature)
Karen (Ponkanita)
Carmi (Kablogan Ko)
Lenix (Lenixevolution)
Marlon (Lonsky)
Sunday, October 09, 2005
DON'T FORGET...
.
"The temptation to forget is a sin."
.
It was shared by Father Robert Reyes who led our first Friday mass last October 7, 2005. He reminder us not to forget, but rather to always remember the past no matter how good or bad it was, for we can learn a lot from those things.
.
Yeah... we don't have to forget what happened to us in the past, but rather to keep them in mind and accept them so that we can move on and for they can serve as basis for us in making personal decisions.
.
Anyway... It will be really hard for us, human, to forget the past, be good or bad. We don't have to or we can't force our self to forget things unless you lose your memory like what happened to Lucy (Drew Barymoore) in the Movie 50 First Dates.
.
Now... for my own perception, it seems it is right to say "ACCEPT THE PAST AND MOVE ON" rather than "FORGET THE PAST AND MOVE ON," isn't it? For we have to learn our lessons from the past, how could it be if we are going to forget them?
Wednesday, October 05, 2005
THERE IS NO REWARD WITHOUT SACRIFICE
Tuesday, October 04, 2005
PLEASE...
It’s raining! Akala ko oks ang umaga ko kasi…
.
- Umuulan (I feel good when it rains)
- Hindi ako late (Madalas kasi akong ma-late)
- I feel pretty today
.
But life sometimes mapaglaro, may mga bagay kang maaalala dahil out of the blue... in the midst of a very nice conversation, biglang ipaaalala sa'yo ng isang tao... and these stuffs na ipinaalala sa'yo ay siyang namang sisira o buburaot ng araw mo... PLEASE!!!
.
(Shouting) Am not that interested to these stuffs… because everytime na ipinapaalala ay nakakapraning lang, nakakainis, nakakabwisit at parang gusto mong manapak!!! ‘Yun bang parang lahat ng dugo mo sa dulo ng daliri sa paa ay umakyat sa ulo mo at ang init-init ng tainga mo at parang gusto mong sumabog!
.
Ito 'yung reason kaya ako nakapag-update ng blog ngayon... naiinis ako! Hoping na maibalik ko ang maganda kong mood kanina once na naisulat ko ito.
Monday, October 03, 2005
THE GOSPEL
Sunday, October 02, 2005
OCTOBER NA!!!
.
Buwan ng September na ang daming mga nangyari... mga happy things, makukulit na pangyayari, mga pagkakataon na nakakaburyong at mayroon din namang nakakalungkot. This is the life kasi... BALANCE sabi nga nila. Hindi puwedeng puro na lang saya at 'di rin naman puwedeng puro lungkot. Anyway, sa lahat ng mga naranasan ko nitong nakaraang September wherein I can still recall... kakaiba ang start ng September. Anyway... sa lahat ng mga pangyayaring ito... salamat, nalampasan ko!
.
PS...
Wednesday, September 28, 2005
REAL LOVE IS UNSELFISH
Monday, September 26, 2005
SPLIT
Tama, ito nga ang Gospel kahapon, September 25, 2005 (Sunday). Late na akong nakapagsimba, 7:00 – 8:00 PM mass sa Sto. Domingo Church. Hands up… ang galing ng priest na nagmisa! Hyper at energetic si Father habang nagmimisa lalo na nang mag-homily na siya... galing talaga niya. Pagkatapos nga ng misa habang palabas ako ng church, I told my self na ang daming UM-ARAY sa homily ni Father… including me hehe.
.
The homily was all about “split life o split personality and changing mind.” Sabi nga ni Father "try mong lumakad na split ang iyong mga paa." Ang hirap nga naman nun di ba.
.
Split ang buhay o personality in a way na, people perceived you as a religious person but on the other hand… may ginagawa ka palang hindi maganda, nanloloko ka, nanggagago ng kapwa and some other bad stuffs. Naalala ko tuloy ang kuwento ng ale na nagro-rosario na nakaluhod, nakapikit at hawak-hawak pa ang rosario malamit sa dibdib, pero nang kalabitin ng isang batang pulubi, namutakti sa bibig ng ale na nagro-rosario ang iba’t ibang klase ng mura at pagkatapos magmura, sabay pikit at taimtim na namang mananalangin. Split… tyring to do good things but at the same time gumagawa ng masama sa kapwa. You’re trying na palaguin ang relasyon mo sa Diyos pero ang relasyon mo sa iyong kapwa ‘di mo mapagtibay… split 'di ba?
Tinuran din ng Pari ang katotohanan na "it doesn’t mean na dahil ginagawa ng marami ay tama na!" We’re living in a “liberated world” somehow, open at engage na ‘yung ibang teens sa premarital sex… Split life… Mali ‘yun, pero dahil sa ginagawa ng marami, akala ay okay lang na gawin. Nagiging split ang buhay dahil sa halip na gawin lang ‘yung tama, nadadala ang ating sarili na gawin ang ginagawa ng nakararami na mali. Hindi nagmi-meet ‘yung tama na dapat sanang gawin sa mismong ginagawa … dapat ito ang tama, so ito ang dapat gawin... pero hindi ganu'n ang nangyayari kaya nagiging split ang buhay.
.
Later part ng homily ni Father, natahimik ako lalo at nakinig dahil about changing mind naman ang ipinaliliwanag niya. I admit na mabilis akong magbago ng desisyon pagdating sa ibang bagay, lalo na kapag ‘di talaga ako sure sa magigiresulta ng desisyon ko and because of this, sinasabi ng iba na “nakakainis ako dahil pabagu-bago ng isip.” Sa homily ni Father sabi niya “hindi masamang bumawi ng minsang nasabi lalo na kung hindi ito magbubunga ng maganda.” After hearing this at ang kasunod na paliwanag ni Father, I told my self it’s okay lang naman ang bumawi lalo na kapag ‘di maganda ang magiging resulta ng naunang desisyon. ‘Di baleng mainis 'yung iba sa'yo na ‘di gets ang dahilan mo kung bakit mo ito nagawa (magbago bigla ng desisyon), oks lang, at least maganda ang naidulot sa’yo ng bigla mong pagbabago ng isip. But ang main point ni Father ay ‘yung kapag may nagawa o nasabi kang masama sa iyong kapwa tama lang na bawiin mo ito. Kapag nasaktan mo siya… mag-sorry ka!
.
Ang haba at ang ganda talaga ng misa last Sunday… for me... lucky ang mga nakapagsimba nung oras na ‘yun tulad ko, alam nyo ba na bago ako magsimba nang oras na 'yun ay masasabi kong "split" din ako... kaya somehow… nakapagsabi rin ako ng “ouch” habang nagho-homily si Father at 'yung homily or 'yung buong mass help me up to figure out things na nangyayari sa akin. :D
God bless!
Saturday, September 24, 2005
THE NAME
For it’s like a thunder that runs thru my veins
Deep down my soul it gives me pain
And tears in my eyes like rain
.
I hate to see the name
For it’s like a ray that strikes my eyes
Squeeze my soul till I can’t breathe
And burst my spirit into weariness
.
Let me run where the sun shines
And leave that name in the midst of night
The name that breaks my heart
And leave me in despair
Wednesday, September 21, 2005
MINSAN KANG NAGING BATA
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are.
Up above the world so high
Like a diamond in the sky.
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are!
.
When the blazing sun is gone
When he nothing shines upon
Then you show your little light
Twinkle, twinkle, all the night.
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are!
.
Then the traveler in the dark
Thanks you for your tiny spark;
He could not see which way to go,
If you did not twinkle so.
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are!
.
In the dark blue sky you keep
While you thro' my window peep
And you never shut your eye
Till the sun is in the sky
Twinkle, twinkle, little star
How I wonder what you are!
Saturday, September 17, 2005
WHAT DO WE MEAN?
Am I friend, am I lover,
Is it over now?
Do you love me still,
Thursday, September 15, 2005
PONDER THE SONG AND PICTURE
WHAT'S FOREVER FOR
.
I've been looking at people
And how they change with the times
And lately all I've been seeing are people
Throwing love away and losing their minds
.
Or maybe it's me that's gone crazy
'Cause I can't understand why
All these lovers keep hurting each other
When good love is so hard to come by
.
So what's the glory in living
Doesn't anybody ever stay together anymore
And if love never lasts forever
Tell me what's forever for
.
I've been listening to people
And they say love is the key
And it's not my way to let them lead me astray
It's only that I want to believe
.
But I see love-hungry people
Trying their best to survive
While in their hands is a dying romance
And they're not even trying to keep it alive
.
So what's the glory in living
Doesn't anybody ever stay together anymore
And if love never lasts forever
Tell me what's forever for
.
Sunday, September 11, 2005
FOR IT IS SUNDAY
.
For it is Sunday, begin your day with God and family. Be happy and enjoy what you have… your work, material stuffs and most of all, your love ones.
Do your duty with happiness... don't forget to put a smile in your face while doing your task... it helps a lot to make things more lighter.
Be kind to everybody, even with your enemy. Be cheerful, agreeable, caring and be considerate and to make your day more beautiful… look for the bright side of things.
Praise people for what they do and do not criticize them for what they cannot do.
If someone or somebody does something stupid, forgive and forget… though it is hard… c’mon, you can do it!
Friend… if you do these things… it might turn your day and even your whole week into a nice and a brighter one!